Lunes, Oktubre 13, 2014

Pampalawak

Halimbawa ng Paksa:

1.       Mga Paningit Bilang Pampalawak
Mga paningit o ingkitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan ng mga paningit.
Halimbawa:
Ba, kaya, din/rin, sana, muna, na, nga, pala, man, yata, kasi, daw/raw, ho ,tuloy, naman, pa, po ,lamang/lang

2.       Mga panuring Bilang Pampalawak
Dalawang kategorya ng mga slita ang magagamit sa panuring: angpang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip, at ang pangabay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

3.       Mga kaganapan ng Pandiwa Bilang Pamplawak

Ang iba’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga pampalawak din ng pangungusap

Miyerkules, Oktubre 1, 2014

Pangatnig

Pangatnig – ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa 
                    magkasunod na salita, parirala, o sugnay.

Dalawang pangkat ng Pangatnig:
1.        nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o
     sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.
v      at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero, atb.
At, sakapati – ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna.
      Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.

Oni, at maging -  tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay
      Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa sa’yo.

Ngunitsubalitdatapwatbagamat, at pero – ay tinatawag  na mga pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
      Hal. Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.

     2.  nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o sugnay.
v      Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at sana
Kungkapagat pag – pangatnig na panubali.
      Hal. Uuwi ako kapag kasama ka.

Dahil sasapagkatpalibhasa – nagpapakilala ng sanhi o dahilan; Tinatawag na mga pangatnig na pananhi

Hal. Palibhasa’y matalino, hindi nag-aaral sa Ben.
                Kayakung gayon at sana – mga pangatnig na panlinaw;
             0 ginagamit upang  bigyang –diin o linaw ang kaisipang hatid ng
             sugnay na di-makapag-iisa.
                        Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

Pagbibigay Kapangyarihan sa  Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.  Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili.  Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang  kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan.  Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay.  Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”.  Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan.  Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba.  Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.  Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. 

 - halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada