Lunes, Oktubre 13, 2014

Pampalawak

Halimbawa ng Paksa:

1.       Mga Paningit Bilang Pampalawak
Mga paningit o ingkitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan ng mga paningit.
Halimbawa:
Ba, kaya, din/rin, sana, muna, na, nga, pala, man, yata, kasi, daw/raw, ho ,tuloy, naman, pa, po ,lamang/lang

2.       Mga panuring Bilang Pampalawak
Dalawang kategorya ng mga slita ang magagamit sa panuring: angpang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip, at ang pangabay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

3.       Mga kaganapan ng Pandiwa Bilang Pamplawak

Ang iba’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga pampalawak din ng pangungusap

Miyerkules, Oktubre 1, 2014

Pangatnig

Pangatnig – ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa 
                    magkasunod na salita, parirala, o sugnay.

Dalawang pangkat ng Pangatnig:
1.        nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o
     sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.
v      at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero, atb.
At, sakapati – ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna.
      Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.

Oni, at maging -  tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay
      Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa sa’yo.

Ngunitsubalitdatapwatbagamat, at pero – ay tinatawag  na mga pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
      Hal. Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.

     2.  nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o sugnay.
v      Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at sana
Kungkapagat pag – pangatnig na panubali.
      Hal. Uuwi ako kapag kasama ka.

Dahil sasapagkatpalibhasa – nagpapakilala ng sanhi o dahilan; Tinatawag na mga pangatnig na pananhi

Hal. Palibhasa’y matalino, hindi nag-aaral sa Ben.
                Kayakung gayon at sana – mga pangatnig na panlinaw;
             0 ginagamit upang  bigyang –diin o linaw ang kaisipang hatid ng
             sugnay na di-makapag-iisa.
                        Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

Pagbibigay Kapangyarihan sa  Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.  Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili.  Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang  kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan.  Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay.  Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”.  Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan.  Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba.  Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.  Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. 

 - halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada

Linggo, Setyembre 28, 2014

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina  


Ang bilang ng populasyon ng  kababaihan sa mundo ay 51%  o  2% na mataas kaysa kalalakihan.  Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.  Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan.  Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na  50 taon.  Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan.  Nakikita ito sa Taiwan.  Ang unang kalagayan  noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.  Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.  Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.    Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.  Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.  Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.  Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.   Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.  Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng  babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.  Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.  Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.  Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.    At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.  Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,  ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.  Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.   Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.  Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.  Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa  lipunan.  Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.   Ito ay matuwid pa rin sa kanila.  Marami pa ring dapat  magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.  

Tula para sa mga Guro





Ang aking Guro


Aking gurong minamahal
na dapat bigyang parangal
sa kaniyang kabutihan
upang kami'y maturuan

Ako'y nagpapasalamat
sa lahat ng gurong tapat
nagbibigay katuparan
tunay na maaasahan

Kayo ay hinahangaan
nang maraming kabataan
tinuturing na bayani

at ang iba'y minimithi